Total Pageviews

Wednesday, September 28, 2011

Marinduque experience


Marinduque is the province of my Best friend Eric. He invited us to their province one Holy week, and we don’t hesitate to join even if it’s my graduation the following month. Yes I’m truly a myth breaker haha. Reaching the province of Marinduque, you need to ride Lucena Lines from Alabang to Dalahican port followed by a 3hours ferry ride and an hour of land travel to the town of Boac. Marinduque is known for Morioned festival which occurs during Holy week. “Morions” are men and women in costumes and masks replicating the garb of biblical Roman soldiers as interpreted by local folks. The festival is characterized by colorful Roman costumes, painted masks and helmets, and brightly-colored tunics. Luckily we got the chance to witness this colorful tradition of the province.  


During our stay in Marinuque, I realized so many things…… To live in happy & simple way! Na dapat makuntento tayo kung anong meron tayo….. Sa pag-stay namin kina Tito at Tita, marami akong bagay na napagtanto dahil nakita ko kung gaano kasimple ang buhay nila kahit na tatlo lamang sila, masaya pa din sila. Maswerte tayo dito sa Maynila dahil masasabi kong kumpleto tayo sa mga kagamitan, kuryente, palikuran, lutuan, malambot na kamang tulugan, at kung anu-ano pang material na kagamitan samantalang sila doon ay pagluluto sa kahoy, paliligo sa poso, paghiga sa malamig at preskong kawayan, at nagtitiyaga sa ilaw na nanggagaling sa lampara at sulo. Minsan may mga bagay sa buhay natin na inirereklamo natin katulad na lang ng paulit-ulit nating trabaho sa opisina o ang nakakasawang gawi natin sa ating mga bahay pero sa kabilang mukha nito ay di natin napapansin na may mas mahirap pang buhay na hinaharap ang ilan sa ating mga kababayan. Katulad na lamang ni Tito na umagang umaga pa lang gagayak na papunta sa dagat dala-dala ang kanyang baunan sakay ng kanyang maliit na bangkang de sagwan, minsan swerte sa huli minsan nama’y wala at ang tanging maiuuwi sa pamilya ay pang-ulam lamang habang si Tita naman ay inaasikaso ang bahay at ang mga alagang hayop. Kapag gusto namang maglibang ay pupunta sa kalapit bahay para makinood ng telebsiyon o maki-videoke. Ngunit gayunpaman masaya pa rin ang lahat, walang humpay pa rin ang tawanan at kwentuhan na tila pinupuno ang bahay ng mga malulutong na hagikhikan. Naisip ko minsan habang ako’y nagluluto ng aming pananghalian sa lutuang kahoy, na namiss ko pala ang simpleng buhay sa probinsiya dahil minsan ko na itong naranasan ng magbakasyon ako sa Bicol. Nangangahoy kami para lamang may maigatong sa pagluluto at halos malayo ang nilalakbay papuntang ilog dala-dala ang mga labahin para lamang maglaba. Araw-araw sariwa ang kinakain at bihira kumain ng karne. Masasabi kong napaka makahulugan ng aming bakasyong iyon sa Marinduque hindi lamang dahil sa ganda ng lugar o sa bakasyon kundi dahil na rin sa napakagandang pagtanggap sa amin ng pamilya Sol na habambuhay naming aalalahanin, mga taong bihira mo lamang matagpuan sa mundong ito, gayundin ang mga bagay-bagay na di nila sinasadyang ipa-realize sa amin. Nakakatuwa ring isipin na kaya pala ng aming grupo ang ganitong  klase ng buhay, basta’t ang mahalaga’y magkakasama, sa kwentuhan, biruan, asaran, sabay-sabay na paghiga sa preskong kawayang tulugan  habang akap-akap ang unang gawa sa puno ng bulak, sabay na paliligo sa dagat habang inaantay ang paglubog na araw, pagbabanlaw sa posohan  at ang sabay-sabay na pagkain habang nagtatawanan sa lilim ng isang puno.
Masarap mamuhay ng simple, tamang kwentuhan at tawanan ayos na dahil napupunuan nito ang mga bagay na hinahanap-hanap natin sa kalungsuran. Ang mahalaga ay natatanggap natin ang kahalagahan ng mga mumunting bagay na nasa ating paligid at ang pagsasama-sama ng pamilya at magkakaibigan, yung lang sapat na!

(To Tito, Tita, Jonard: Salamat sa pagtanggap po ninyo sa aming grupo na makukulit at minsa’y pasaway. Walang humpay na pasasalamat sa inyong pamilya dahil hindi niyo kami pinabayaan at kasalo namin kayo sa bawat pagkain, kwentuhan at tawanan. Wag po kayong mag-alala sa pagbalik namin diyan may mga nakahanda kaming mumunting mga bagay na makakatulong sa inyo bilang aming pasasalamat sa inyong kagandahang loob. Ngayon pa lang namimiss ko na kayo diyan pati yung dagat, yung tambayan natin, yung malamig na klima sa gabi at ang sobrang lambot na unan….. hayyyyyy)

<3<3<3 Admin Aey <3<3<3

No comments:

Post a Comment

Your feedback is highly appreciated

Sharing it to the world!